LP naghahanap na ng VP ni Mar Roxas sakaling hindi pumayag si Sen. Poe

Inquirer file photo

Sinimulan na ng Liberal Party ang paghahanap ng running mate ni interior Secretary Mar Roxas para sa 2016 Presidential elections.

Ito ay kahit na inihayag kahapon ng Pangulong Benigno Aquino III na hindi pa rin susuko ang kanilang Partido Liberal sa panunuyo kay Senador Grace Poe para maging Vice President ni Roxas.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, Vice Chairman ng LP, nag-uumpisa na sila ng paghahanap para maging handa sakaling hindi makuha si Poe.

Sa ngayon ayon kay Drilon, apat na ang ikinukunsidera ng LP at ito ay sina Camarines Sur Representative Leni Robredo, Batangas Governor Vilma Santos, Senators Alan Cayetano at Antonio Trillanes IV.

Hindi naman tinukoy ni Drilon kung sino sa apat na ang higit na nakalalamang para maging VP ni Roxas.

 

 

Read more...