Sa pamamagitan ng Twitter post ay humingi ng panalangin ng pribadong pagkakataon ang pamilya Taruc
Si Taruc o Jose Magalpo Taruc, Jr. ay institusyon na sa broadcasting industry at isa sa mga haligi ng himpilang DZRH ng Manila Broadcasting Company.
Halos limang dekadang narinig sa radyo si Taruc na nagtapos ng BS Accounting sa Jose Rizal College bago ipagpatuloy ang kanyang “first love” na pamamahayag.
Isinilang noong September 17, 1947 at nagsimula sa DZAQ Radyo Patrol ng ABS-CBN bago idineklara ang martial law.
Panahon ng Batas Militar nang siya’y malipat sa DZRH kung saan naging station manager at newscaster siya bago maging Senior Vice President ng nasabing himpilan.
Naging host din ng ilang mga TV show si Taruc noong dekada 80 hanggang 90 at lumabas rin siya sa ilang mga pelikula kung saan ang kanyang naging papel ay isang ring mamamahayag.
Naulila ni Taruc ang kanyang may bahay na si Lita, apat na anak kabilang ang brodkaster din na si Jay Taruc at mga apo.
Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya kaugnay sa magiging funeral service para sa beteranong brodkaster.