Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasasawi bunsod nang nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Sa huling datos na inilabas ng Armed Forces of the Philippines, sa ika-131 araw ng bakbakan sa lungsod ay pumalo na sa 762 ang mga kalaban na napapatay ng pamahalaan.
Ito’y matapos masawi ang 13 miyembro ng Maute dahil sa engkwentro kahapon.
Nadagdagan naman dalawang ang bilang ng nalagas sa pwersa ng pamahalaan dahilan para umakyat sa kabuuang 157 ang bilang ng mga pulis at sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay.
Samantala, umabot naman na sa 1733 sibilyan ang nailigtas ng military mula sa gulo sa lungsod ng Marawi City.
Nasa 714 naman na ang narerekober na armas ng militar mula sa gyera sa Marawi City.
Sa ngayon nagpapagtuloy ang operasyon ng militar sa lungsod para tuluyan nang mabawi ang kontrol sa buong Marawi.