3 sundalo ng Philippine Marines sugatan sa ambush sa Palawan

Inquirer file photo

Tinambanagan ng hindi pa nakikilalan grupo ang tropa ng Philippine Marines sa Brgy. Itabiak, San Vicente, Palawan.

Ayon sa Joint Task Group North, pasado alas-6:30 ng umaga ng Sabado, tinambangan ang tropa ng MBLT 12 na sakay ng M35 military truck at isang ELF truck.

Tatlo katao naman ang naitalang sugatan sa insidente kabilang sina TSgt Restituto Selvino, 30-anyos, Corporal Melvin Villa , 44 taong gulang at Corporal Christian Day Rentillo.

Agad namang dinala sa Roxas District Hospital ang mga biktima para lapatan ng pangunahing lunas bago ilipat sa Puerto Princesa City.

Patuloy naman ang hot pursuit operations ng militar dahil sa ambush.

Read more...