PCG: Phil. Navy may pananagutan sa pagkamatay ng 2 Vietnamese fishermen

AFP photo

Ang Philippine Navy ang sinisisi sa pagkamatay ng dalawang Vietnamese fishermen noong September 22 sa Pangasinan.

Ito ang inilabas na ulat ng Vera Files base na rin sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard sa nasabing insidente.

Tinukoy dito ang 1999 ruling ng International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) kung saan nakasaad na hindi maaaring gumamit ng dahas at hindi dapat magpaputok ng baril nang malapitan sa mga pag-aresto sa karagatan.

Ayon pa sa PCG, nangyari ang insidente 39 nautical miles ng Bolinao, Pangasinan na nakapaloob sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sa ilalim ng Law of the Sea Convention, walang “sovereignty” ang bansa sa nasabing lugar at maaari lamang gamitin ang Sovereign Rights.

Nangangahulugan ito na hindi maaaring gamitin ang batas gaya ng Revised Penal Code maliban sa batas at patakaran na may kinalaman sa “fisheries” at “marine environmental protection.”

Noong September 26, inianunsyo ng Philippine Navy na ang mga tauhan nitong sangkot sa pangyayari ay sinibak na sa pwesto.

Tiniyak din ng Department of Foreign Affairs sa Vietnam na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon sa naturang insidente.

Read more...