Maulan na maghapon ibinabala ng PAGASA

PAGASA

Magiging maulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Sabado ayon sa inilabas na advisory ng PAGASA.

Dulot ito ng Low Pressure Area (LPA) na namataan sa layong 250 kilometers east-northseast ng Guian, Eastern Samar na lalong magpapalakas sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang nasabing mga weather disturbances ay magdudulot rin ng maulap na papawirin sa ibabaw ng Metro Manila, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, ARMM, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Aurora.

Inaasahang mas lalakas ang mga pag-ulan at thunderstorms sa dakong hapon at gabi.

Pinag-iingat rin ng PAGASA ang mga mangingisda dahil sa malalakas na pag-alon sa ilang coastal areas ng bansa.

Read more...