Duterte: Mga tiwali sa Office of the Ombudsman aarestuhin ng PNP at AFP

Ipinaliwanag ni Panagulong Rodrigo Duterte na walang lalabaging probisyon sa Saligang Batas ang gagawi niyang pag-iimbestiga sa Office of the Ombudsman kaugnay sa isyu ng kurapsyon.

Ito ang sagot ng pangulo sa pahayag ng Ombudsman na may halong paghihiganti at kulay ng pulitika ang balak nito na bumuo ng super body para imbestigahan ang Tanodbayan.

Binigyang-diin rin ng pangulo na hindi pwede na ang mga opisyal ng Ombudsman ang mag-iimbestiga sa kani-kanilang mga sarili.

Muli ring sinabi ng pangulo na ilang beses na siyang nabiktima ng maling mga akusasyon at imbestigasyon ng Ombudsman.

Nagbanta rin ang pangulo na ipapa-aresto niya sa mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang mga opisyal ng Ombudsman na hindi dadalo sakaling umusad na ang mga serye ng imbestigasyon.

Nanindigan rin ang pangulo na hindi mauuwi sa diktadurya ang gagawing imbestigasyon sa Ombudsman.

Read more...