PhilHealth, may bagong LHIO sa Fairview

PhilHealth Fairview

Mas abot-kamay na ng ilang miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang serbisyo nito dahil sa pagbubukas ng ika-10 nilang Local Health Insurance Office (LHIO) sa Metro Manila.

Ang bagong LHIO ng PhilHealth ay matatagpuan sa WS Building, Lot 19, Block 237, Neopolitan 4 Subdivision, Barangay Pasong Putik sa Quezon City, na bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Inaasahang makapagbibigay serbisyo ang nasabing LHIO sa mga miyembro at kliyente nilang mula sa Districts 2, 5 at 6 ng Quezon City at ng Marikina City.

Nagsimula na ang operasyon ng LHIO Fairview na pinamumunuan n Myla Rita Sabile.

Maaring iproseso sa nasabing opisina ang mga membership registration, pagkuha ng PhilHealth identification cards at Member Data Records (MDR) at tumatanggap din sila ng premium contributions, maging ang pagkuha ng certificate of contributions.

Pwede rin silang tumanggap ng mga applications for accreditation ng mga healthcare institutions and professionals, mga reports ng mga empleyadong umalis na sa serbisyo pati na ang pagbibigay ng certificate of benefit utilization, at Certificate of Eligibility o CE1 sa mga sponsored members.

Aabot sa 2,000 hanggang 2,500 ang mga kliyenteng kayang serbisyuhan ng bagong LHIO.

Pinasinayaan naman ni PhilHealth Officer-in-Charge Cheryl Peña, Quezon City District 5 Rep. Alfred Vargas at iba pang mga opisyal ng ahensya ang pagbubukas na nasabing opisina.

Read more...