Nakansela ang klase sa Ateneo de Davao University (AdDU) dahil sa bomb threat.
Kinailangang palabasin ng paaralan ang lahat ng estudyante, faculty at non-teaching staff ng paaralan matapos matanggap ang banta Biyernes ng hapon.
Ang Jacinto campus umano ang target ng bomb threat na ang gumagamit ay mga senior high school, college, post-graduate program at law school ng AdDU.
Sa kaniyang social media account, sinabi ni AdDu President Fr. Joel Tabora na sinuspinde ang klase sa Jacinto Campus para masuri ng mga otoridad ang lugar.
Ilang metro lang ang layo ng AdDu sa night market sa Davao City kung saan naganap ang pagsabog noong Sept. 2016 na ikinasawi ng 14 na katao.
Sinabi ni na matapos masuri, idineklara naman ng mga tauhan ng Task Force Davao Explosives and Ordnance Division (EOD) na ligtas ang paaralan.
Bukas ay magre-resume na ang regular na klase sa AdDu.