Hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na bawiin ang pasya nitong pag-piyansahin si dating Senador Jinggoy Estrada.
Sa 11-pahinang motion for reconsideration, sinabi ng mga prosecutor ng Ombudsman na nagkamali ang Sandiganbayan nang hayaan nito na pansamantalang makalaya si Estrada sa kinakaharap nitong kasong plunder kaugnay ng multi-bilyong pisong pork barrel scam.
Iginiit ng anti-graft body na hindi aplikable sa kaso ni Estrada ang naging pasya ng Sandiganbayan ang naging ruling ng korte suprema sa demurer to evidence ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Sa ilalim ng ruling ng Supreme Court, hindi sapat ang kasong plunder na isinampa laban kay Arroyo dahil nabigo ang prosekusyon na patunayan na ito ang main plunderer sa diumano’y maanomalyang paggamit sa intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Pero ayon sa mga prosecutor ng gobyerno, taliwas ito sa nauna nitong findings sa kaso ni Estrada na itinuring nito na puno’t dulo ng nasabing scam kasama ang kapwa nito akusado na si Janet Lim Napoles.