Ito ang naging bwelta ng Palasyo ng malakanyang kaugnay sa pagkabahala ng tatlumpu’t siyam na bansang miyembro ng United Nations sa anti-drug war campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakaligtaan ng tatlumpu’t siyam na bansa na tingnan ang resulta ng United Human Rights Council kung saan pinupuri nito ang outcome report on the Philippines universal periodic review na nagsasabing organisado ang Pilipinas.
Giit ni Abella, malinaw na iniimbestigahan ng estado ang mga alegasyon na human rights violations sa Pilipinas at ipagpapatuloy ito ng administrasyon.
Iginiit pa ni Abella na hindi kinukunsinti ng justice system sa Pilipinas ang mga state sponsored extrajudicial killings.
Nakalulungkot ayon kay Abella na maging ang Asian Forum for Human Rights and Development ay kabilang sa mga pumupuna sa Pilipinas.
Kinukwestyon kasi ng Forum Asia na halos kahalati ng mga rekomendasyon ng UN-CHR ang hindi tinanggap ng Pilipinas kasama na dito ang pagtanggi kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard na magtungo sa Pilipinas para mag-imbestiga sa sinasabing human rights violations.