Airport immigration personnel, nagsoli ng naiwang pera

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang karapatan ng isa sa kanyang mga tauhan  sa NAIA.

Ayon kay Morente hindi natukso si Immigration Officer 1 Reimond Lagman na ibulsa ang $1,900 na kanyang nakita sa immigration counter noong Setyembre 7.

Nabatid na pa duty si Lagman nang mapansin nito ang isang envelope sa counter at nang kanyang usisain ay naglalaman Ito ng 19 piraso ng $100.

Agad na ibinigay ni Lagman ang pera sa kanyang supervisor at naturn over naman Ito sa pamunuan ng NAIA.

Sinabi pa ni Morente sa Lunes ay pararangalan nila si Lagman kasabay ng kanilang flag-raising ceremony.

 

 

 

 

Read more...