9,000 pulis, sangkot sa iligal na droga ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte

Aabot sa siyam na libong pulis ang sangkot sa ilegal na droga.

Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati kahapon sa sa 116th
Commemoration ng Balangiga encounter day sa Eastern Samar.

Ayon sa pangulo, pabigat sa kanyang problema ngayon ang pagkakasangkot ng mga pulis.

Dagdag ng pangulo, ito ang dahilan kung kaya nahihirapan siyang sugpuin ang naturang problema.

Matatandaang una nang sinabi ng pangulo na karamihan sa mga corrupt na pulis at nasa Metro
Manila at Cebu.

 

 

 

 

Read more...