Luzon grid, dalawang na oras na inilagay sa yellow alert

Dalawang oras na isinailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid.

Ito ay dahil sa manipis na suplay ng kuryente bunsod ng hindi inaasahang shutdown ng ilang planta.

Sa abiso ng NGCP, tumagal ang yellow alert mula alas 11:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon.

Nagkaroon kasi ng unplanned outage ang San Gabriel, Ilijan B, Makban 5 at Sual 2 power plants.

Habang naka-shutdown naman na ang Kalayaan 3 at 4 at ang San Lorenzo 1.

 

 

 

 

 

Read more...