Ang nasabing proyekto ay nagresulta sa matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa C5 southbound sa kasagsagan ng rush hour.
Sa kanilang post sa twitter, sinabi ng DPWH na mula alas 10:00 ng gabi ng Huwebes, Sept. 28 ay nagdatingan na lugar ang asphalting equipment na gagamitin sa pag-aaspalto.
Alas 11:15 ng gabi nang pormal na masimulan ang asphalting works at natapos alas 5:15 ng umaga ng Biyernes.
Gayunman, kinailangan pang tanggalin ang lahat ng ginamit at barriers kaya inabot ng alas 5:45 ng umaga bago tuluyang napadaanan sa mga motorista ang southbound ng Bagong Ilog flyover.
Dahil sa pagsasara ng flyover, maraming motorista ang maagang naperwisyo at inabot ng ilang oras sa kalsada.
Ilan sa mga naghayag ng pagkadismaya sa twitter ang nagsabi na mula alas 4:30 pa lamang ng madaling araw ay mistulang parking lot na ang C5 southbound mula pa lang sa tapat ng Tendiesitas.