Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang mababawi ng militar mula sa kamay ng teroristang Maute group ang Marawi City sa katapusan ng buwang kasalukuyan.
Sa talumpati ng pangulo sa 116th commemoration ng Balangiga encounter day sa Eastern Samar, sinabi nito na wala namang balak ang gobyerno na mag-celebrate sakaling manalo na ang militar kontra sa mga terorista.
Oras na matapos na ang giyera sa Marawi, ang tanging utos ng pangulo sa mga sundalo ay mag-impake at tahimik na lisanin ang lugar.
Aminado ang pangulo na labis na nabigla ang militar sa pag-atake ng Maute group.
Matatandaang makailang beses nang sinabi nina Pangulong Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana na ilang araw na lamang at matatapos na ang giyera sa Marawi City.
Aabot na sa humigit-kumulang isang libo katao ang nasawi sa mahigit na apat na buwang gyera sa Marawi City.