WATCH: Mga pulis na ililipat at tatanggalin sa Caloocan, nag face-off

Kuha ni Mark Makalalad

Nagharap ang mga pulis Caloocan na ililipat sa ibang lugar at mga pulis galing sa Regional Public Safety Batallion ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipapalit naman sa kanila.

Sa relief in place ceremony na isinagawa sa Northern Police District, sinermunan ni NCRPO Chief Oscar Albayalde ang mga pulis caloocan dahil sa kaliwat kanang kontrobersya na kinasungkutan ng mga ito.

Giit ni Albayalde, nakapagtataka kung bakit sa kabila ng mga paalala at guidelines na nasaad sa police manual ay bakit tila sinasadyang labagin ito ng mga pulis.

Partikular na tinukoy ni Albayalde ang isang kwestyonableng operasyon kung saan nagnakaw ang ilang Police Caloocan sa isang bahay nang walang search warrant at hindi nakauniporme.

Babala pa ng opisyal, magsilbing aral nawa ang nangayri sa Caloocan na napasama ang imahe.

Kung masusunod lang anya sila ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, ay outright dismissal na ang dapat gawin sa mga pulis na gumagawa ng kalokohan.

Payo niya pa, kung hindi kaya magpakatino ng mga pulis ay magbitiw na ito sa pwesto.

Unfair aniya kasi ito sa mga pulis na matitino at gumagawa ng kanilang tungkulin lalo na yung nasa gitna ng bakbakan sa Mindanao.

Matatandaang bukod dito, nabalot sa kontrobersya ang Caloocan Police dahil sa pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.

Sa kabuuan, mahigit 1,000 pulis mula sa Caloocan ang ililipat sa ibang lugar.

Read more...