WATCH: Dalawa ang sugatan sa insidente ng pananaksak at pambubugbog sa Caloocan

Sugatan ang isang menor de edad matapos saksakin ng screw driver sa loob ng Caloocan National High School.

Kinilala lamang ang biktima na si alyas na JR na labing pitong taong gulang.

Ayon sa saksi ng insidente na kaibigan rin ni JR na si alyas Boy, kalalabas lamang nila ng Caloocan National High School alas siyete ng gabi nang salubungin sila ng isang grupo ng mga binata, kabilang sina alyas Popogak at Christopher.

Doon na umano pinagsasaksak mga suspek ang biktima.

Samantala, sa Caloocan pa rin, kritikal ang kundisyon ng isang lalaki matapos pagtulungang bugbugin ng isang pamilya sa Dagat-dagatan Extension.

Ayon kay Francisco Azajar, negosyanteng pinagtatrabahuhan ng biktimang si Eduardo Soria, pinagbabantay niya sa biktima ang isang makinang nakasakay sa pickup truck nang lapitan ito ng pamilyang nag-iinuman at saka pinagtulungang gulphin.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

Read more...