Sinunog ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang labingisang heavy equipment na ginagamit sa construction ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay.
Ayon kay Chief Inspector Arthur Gomez, information officer ng Albay Police, nagpaputok ang mga rebelde sa mga miyembro ng 2nd maneuver platoon ng Albay Public Safety Company sa Brgy. Bascaran.
Ito ay para lituhin ang mga pulis at hindi sila rumesponde sa isang insidente sa naturang airport facility na nasa kalapit na Brgy. Alobo.
Sa gitna anya ng bakbakan na tumagal ng hanggang tatlumpung minuto, nakarinig ang pulisya ng malakas na pagsabog sa construction site sa international airport na nasa tatlo hanggang apat na kilometro ang layo sa Bascaran.
Nadatnan ng mga pulis ang nasusunog na heavy equipment na pag-aari ng EM Cuerpo Builders Inc. na kinabibilangan ng limang malalaking truck, mini dump truck, double cab, grader, mixer, crane at owner type jeep.