Ikinalungkot ng pamilya ni Horacio “Atio” Castillo III ang naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na palayain ang primary suspect sa pagkamatay ng kanilang anak na si John Paul Solano.
Matatandaang pansamantalang pinalaya si Solano dahil sa nakabinbin pang imbestigasyon tungkol sa reklamo laban sa kaniya kaugnay ng pagkamatay ni Solano.
Maliban dito, dismayado rin ang mag-asawang Castillo kay UST Civil Law dean Nilo Divina dahil hindi nito agad ipinaalam sa kanila ang nangyari sa kanilang anak.
Samantala, nakipagkita rin kahapon ang mga magulang ni Atio kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na tutulong sa kanila na magkaroon ng appointment kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Aguirre, nais iparating ng mag-asawa ang kanilang mga pangamba na baka mauwi sa wala ang paghahanap nila sa hustisya lalo na’t maimpluwensya ang mga miyembro ng binabangga nilang fraternity sa kaso.
Bagaman pansamantala nang nakalaya, tiniyak naman ni Solano na magpapatuloy ang kaniyang pakikipagtulungan sa imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni Castillo.
Hindi rin iniinda ni Solano ang posibleng panganib na kaniyang kakaharapin lalo na’t nagbunyag na siya ng mga impormasyon tungkol sa mga may kinalaman dito.
Giit niya, kilala niya ang mga miyembro ng fraternity at hindi bababa ang mga ito sa lebel kung saan ilalagay siya sa panganib.