BOC, may 19 na bagong X-ray units para sa NAIA

 

File photo

Bilang bahagi ng mga hakbang upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa, 19 na bagong x-ray units ang binili at nakatakdang ilagay ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña Jr., binili ang mga naturang x-ray units upang maresolba ang tumataas na insidente ng smuggling pati na ang drug trafficking sa bansa.

Sa pamamagitan din ng bagong X-ray machines, madedetect din ang mga items na pwedeng patawan ng buwis.

Dahil dito, magiging posible sa NAIA-Customs office na maabot ang target na 50 bilyong pisong revenue ngayong taon.

Sampu ang fixed baggage machine, pito ang hand-carried baggage machines at dalawa naman ang mobile X-ray machines ang nakatakdang iinstall sa tatlong terminal.

Nagkakahalaga ang mga makina ng 172 milyong piso.

Read more...