Nabigo ang Chooks-to-Go Pilipinas na ipagpatuloy ang bid nito sa 2017 Fiba Asia Champions Cup matapos talunin ng Kashgar team ng China sa iskor na 86-70 sa kanilang laban kagabi sa Chenzhou Sports Center sa China.
Bagamat hinihintay ng nakararami ang tapatan ng Gilas players at ng Gilas naturalized player na si Andray Blatche na kasalukuyang naglalaro sa Kashgar, hindi ito nangyari dahil pinagpahinga si Blatche ng koponan.
Nagawa ng Pilipinas na tapatan ang iskor ng China sa 39-all dalawang minuto bago matapos ang second half ngunit hindi ito nasustain hanggang sa matapos ang laban.
Nagpaulan ng maraming tres ang mga manlalaro ng Kashgar na nagpanalo sa China.
Nanguna sina Darius Adams at Xi Re Li Jiang Mugedaer na nagtala ng combined 43 points para sa Kashgar.
Samantala, nagtala naman ng tig-16 na puntos sina Ravena at Austin para sa Chooks to Go.
Sa Biyernes, makakalaban ng Chooks to Go ang UAE club Shabab al Ahli-Dubai upang pag-agawan ang ikalimang pwesto.