Pimentel sa planong pagpapatalsik ni Trillanes: ‘Ituloy mo

 

“Go ahead.”

Ito ang tugon ni Senate President Aquilino Pimentel III sa planong pagpapatalsik sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes IV bilang Senate President.

Banta ito ni Trillanes kay Pimentel kung hindi nito tatanggalin si Sen. Richard Gordon bilang chairman ng Senate Blue Ribbon committee.

Inaakusahan ni Trillanes si Gordon na tila ay tagapagtanggol ni Pangulong Duterte sa Senado.

Iginiit naman ni Sen. Pimentel na maaaring gawin ni Trillanes ang pagbabanta dahil isa anyang malayang bansa ang Pilipinas.

 

Read more...