Ito ang kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang taped interview kagabi.
Sa pahayag ng pangulo, sinabi nito na siya mismo ang nagsabi kay Salalima na magbitiw na sa puwesto bilang pinuno ng DICT.
Paliwanag ng pangulo, hindi inaksyunan ni Salalima ang kanyang pagnanais na buksan sa mas maraming mga telecom companies ang Pilipinas.
Mistula rin aniyang pinapaboran nito ang isang telecom company kung saan ito nagsilbi bilang Senior Vice President for Corporate and Regulatory Affiars.
Gayunman, nilinaw ng pangulo na hindi niya ito sinibak dahil sa isyu ng katiwalian.
Sa mga nakaraang Cabinet meeting aniya, wala ring binabanggit na korupsyon sa DICT si Salalima.
Matatandaang sinabi noon ni Salalima na ang korupsyon sa Kagawaran ang naging dahilan kung bakit siya nagbitiw bilang Kalihim.