Tugon ni Sereno sa impeachment complaint, puro kasinungalingan – Gadon

 

Litanya ng mga kasinungalingan.

Ganito isinalarawan ni Atty. Larry Gadon ang naging tugon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachment complaint na inihain laban sa kaniya sa Kamara.

Ayon kay Gadon, pawang gawa sa “lame logic” ang tugon ni Sereno na binuo para matakasan niya ang impeachment at pagkakasibak niya sa opisina.

Nag-uumapaw aniya ito sa legal jargon, semantics at technicalities para bigyang katwiran ang mga kwestyunableng bagay na ginawa ni Sereno.

Giit pa ni Gadon, dapat nang umalis agad si Sereno, maging sa pamamagitan ng pagre-resign o impeachment.

Sa kaniyang tugon, matatandaang umapela si Sereno sa Kamara na pagkalooban siya ng “political justice” at ibasura na ang nasabing impeachment complaint, kasabay ng pagtanggi sa lahat ng mga akusasyon laban sa kaniya.

Read more...