Duterte sa US Congress: Pahintulutan si Trump na ibalik ang Balangiga bells

 

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa US Congress na bigyan ng kapangyarihan si US President Donald Trump na maibalik sa Pilipinas ang makasaysayang Balangiga bells.

Sa ika-116 na anibersaryo ng digmaan sa Balangiga, Eastern Samar, hiniling ito ng pangulo sa kabila ng pag-amin niya na maaring matagalan pa talaga bago mapagbigyan ang kaniyang kahilingan.

Matapos matalo ng mga Pilipinong sundalo sa digmaan ang mga Amerikano noong September 28, 1901 ay gumanti ang mga ito at pinagpapatay ang lahat ng mga lalaking Pilipino na may edad sampu pataas.

Bilang premyo sa sarili para sa kanilang pagkapanalo, kinuha ng pamahalaan ng Amerika ang Balangiga bells na ginagamit noon ng mga Pilipino bilang hudyat sa pag-atake sa kampo ng mga kalaban.

Bukod dito, ilang beses na ring umapela si Duterte sa Amerika para maibalik na ang Balangiga bells sa bansa.

Sinabi naman ni US ambassador to Manila Sung Kim na nais nila itong ibalik pero may mga isyu pang kailangan munang ayusin.

Gayunman, ipinangako niyang gagawan nila ng paraan na maibalik sa mga Pilipino ang mga kampana dahil naniniwala siyang ito rin ang dapat gawin.

Read more...