Unified statement tungkol sa South China Sea, ilalabas ng ASEAN defense ministers

 

Maglalabas ang mga defense ministers ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng isang “unified statement” tungkol sa South China Sea sa susunod na buwan.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, maglalabas sila ng pahayag tungkol sa resolusyon ng ilan sa mga isyu sa West Philippine Sea.

Gaganapin ang 11th ASEAN Defense Ministers Meeting at ADMM-Plus sa October 23 hanggang 24 sa Clark Pampanga.

Ang ADMM-Plus ay ang pagkakaroon ng dialogues sa walong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Australia, China, India, Japan, New Zealand, South Korea, Russian Federation at ang Estados Unidos.

Dagdag pa ni Lorenzana, malaking pagtitipon ang magaganap kung saan paguusapan nila ang mga common interests nila tulad ng terorismo, problema sa iligal na droga at disaster management.

Read more...