Ayon sa pangulo, gagawin niya ito kung hindi magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang ombudsman sa mga tiwaling kawani nito.
Ayon kay Pangulong Duterte, hahabulin niya at hindi palalagpasin ang mga lagayan sa Ombudsman para lamang madismiss ang isang kaso.
Sinabi pa ng pangulo na hanggang ngayon, talamak pa rin ang korupsyon sa Ombudsman.
Mawawalan aniya ng remedyo ang taumbayan kung panay na lamang panghihingi ang gagawin ng mga kawani ng Ombudsman.
Ayon pa sa pangulo, masama ang kanyang loob laban sa Ombudsman dahil kahit noon pa na mayor siya ng Davao City ay paulit ulit na siyang inimbestigahan.
Ibinunyag pa ng pangulo na kinikilan na siya ng Ombudsman noong mayor pa siya ng Davao subalit hindi niya ito pinagbigyan.