Hindi rin anila sa kanila nagmula ang mga dokumento at impormasyon na kasama sa inihaing reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na siya ay nakatanggap ng report mula sa AMLC na umanoy bank accounts ni Duterte.
Ayon sa AMLC Secretariat ay natanggap nito noong September 6, 2017 ang liham ni Carandang na may petsang August 17, 2017 na humihiling na imbestigahan ang mga nasabing bank accounts.
Anila kasalukuyang sumasailalim sa evaluation ang nasabing request.
Ang pag-imbestiga at ang paglabas ng ulat patungkol dito ay nakadepende sa resulta ng evaluation.
Kaugnay nito, hindi na muna magbibigay ng komento ang AMLC dahil sa pagiging confidential ng nasabing usapin.
Una ng nagbigay ng babala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi dapat nagbibigay si Carandang ng detalye kaugnay ng isang ongoing investigation dahil maaring maharap ito sa admistrative case.