Pangulong Duterte, nakipagbati na sa Amerika

Wala nang balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na awayin pa ang Amerika.

Sa talumpati ng pangulo sa 116th Balangiga Encounter Day sa Balangiga Eastern Samar, sinabi nito na mas makabubuti kung makipagkaibigan na lamang siya sa Amerika lalo’t tinubos na nito ang kanilang mga atraso matapos ang ginawang pananakop sa Pilipinas.

Bukod dito, sinabi ng pangulo na pinayuhan din siya ng Department Of Foreign Affairs na bawasan na ang pagmumura sa Amerika lalo na kung nagiging emosyonal siya.

Hindi maikakaila ayon sa pangulo na marami nang naitulong ang Amerika sa Pilipinas.

Halimbawa na lamang aniya ang pagbibigay ng kagamitan sa mga sundalo na ngayon ay nakikipagbakbakan sa teroristang Maute group sa Marawi City.

Read more...