Walang ASEAN holiday sa Nobyembre ayon sa Palasyo

Walang idedeneklarang holiday ang Palasyo ng Malakanyang para sa 31 Association of Southeast Asian Summit and Related Meetings na gaganapin sa Pilipinas sa Nobyembre 12 hanggang 15.

Taliwas ito sa mga naglalabasan sa social media na holiday o walang pasok sa naturang petsa para bigyang daan ang pagtitipon ng world leaders na kasapi ng ASEAN.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa ngayon ay wala pang anunsyo ang palasyo ukol sa pagddeklara ng holiday.

Ang Pilipinas ang nagsisilbing host sa ASEAN Summit ngayong taon.

Read more...