Magsasagawa ng earthquake drill sa buong Bonifacio Global City sa Taguig ngayong araw, September 29, Biyernes.
Dahil sa isasagawang BGC-wide quake drill, maraming lansangan ang maaapektuhan ng closure sa kasagsagan ng drill.
Sa abiso ng community relations office ng BGC, papatayin ang lahat ng traffic lights sa buong BGC sa kasagsagan ng drill.
Sarado naman ang mga sumusunod na lasangan mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali:
- 11th Avenue sa pagitan ng 32nd Street at 26th Street (Landmarks: West Tower at One Serendra to Two Serendra)
- 5th Avenue sa pagitan ng 32nd Street at 26th Street (Landmarks: McDonald’s to Net Lima
- 2nd Avenue sa pagitan ng 32nd Street at 31st Street
- 31st Street mula 1st Avenue hanggang Rizal Drive
- 7th Avenue corner Lane T
- 40th Street corner 9th Avenue
- 3rd Avenue sa pagitan ng 32nd Street at 31st Street
Nakasaad sa abiso na ang bahagi ng ilang kalsada ay gagamitin bilang evacuation areas.
Asahan na rin umano ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa kasagsagan ng earthquake drill.
Ayon kay Armie Candado, BGC community relations manager, layon ng drill na maihanda ang komunidad sa pagtama ng malakas na lindol.
Hiniling din ni Candado sa “BGCitizens” at kanilang mga bisita na makiisa sa gagawing drill.