Ayon kay Philippine Ambassador to Abu Dhabi Constancio Vingno, sa ilalim ng bagong batas, mas mapoprotektahan at mabibigyang benepisyo ang mga dayuhang manggagawa sa UAE at kabilang sa mga ipagkakaloob ay ang tamang petsa ng pagpapasahod, bayad na rest days at medical insurance.
Sinabi ni Vingno na inaasahan na mabebenipisyuhan ng nasabing bagong batas ang nasa 100,000 mga OFWs na nagtatrabaho sa UAE.
Kabilang sa nilalaman ng batas ang mga sumusunod:
- Pagbabayad ng sweldo sa loob ng 10 araw mula sa due date
- Isang araw na paid rest kada linggo
- Dose oras na pahinga kada araw kabilang ang eight hours na consecutive rest
- Medical insurance, kabilang ang 30 days medical leave kada taon
- Round-trip ticket pauwi kada dalawang taon
- accommodation – meals, clothing
- at possession ng personal identification papers gaya ng pasaporte at ID
Nagpasalamat naman si Vingno sa pamahalaan ng UAE sa nasabing kautusan.
READ NEXT
Ilalim ng C5 Bagong Ilog flyover northbound, isinara sa mga motorista dahil sa naaksidenteng truck
MOST READ
LATEST STORIES