Ilalim ng C5 Bagong Ilog flyover northbound, isinara sa mga motorista dahil sa naaksidenteng truck

C5 Bagong Ilog accident
Photo Credit: Angelique Cuevas

Isinarado sa mga motorista ang ilalim ng C5-Bagong Ilog flyover northbound, makaraang may maaksidenteng truck na puno ng buhagin.

Ayon kay Emma Loristo ng MMDA metrobase, isang 14-wheeler truck ang nasangkot sa aksidente alas 3:49 ng madaling araw.

Bumangga umano ito sa center island sa ilalim ng Bagong Ilog flyover.

Dahil dito, nagpatupad ng road closure sa southbound ng Bagong Ilog service road patungo ng Kalayaan.

Ang lahat ng mga sasakyan sa C5 southbound patungong Kalayaan, Global City at Market Market ay sa ibabaw lamang ng flyover pinadaan.

Ang mga galing naman sa Pasig Boulevard ay sa Canley Road pinadaan patungo sa Pasig Shaw.

Wala namang nasaktan sa aksidente pero hindi agad naialis sa lugar ang truck na puno ng buhangin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...