Panibagong LPA, papasok sa PAR ngayong araw

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa silangan ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, nasa boundary na halos ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang LPA.

Sa susunod na limang oras ay maari na umano itong pumasok ng bansa.

Sinabi ni PAGASA forecaster Lorie Dela Cruz, na sa ngayon, maliit pa ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.

Ngunit kung sakaling lalakas at magiging isang tropical depression habang ito ay nasa loob ng bansa ay papangalanan itong ‘Odette’.

Sa ngayon Intertropical Convergence Zone ang naka-aapekto sa bansa.

Ang ITCZ ay maghahatid ng mga pag-ulan sa Central at Western Visayas, CARAGA, Davao region at SOCCSKSARGEN.

Magiging maganda naman ang panahon at makararanas lang ng isolated na pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...