Desisyon tungkol sa martial law sa susunod na buwan na malalaman

Sa susunod na buwan ng Oktubre pa malalaman kung ano ang magiging kapalaran ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Defense Secretary at martial law administrator Delfin Lorenzana, sa susunod na buwan siya magbibigay ng rekomendasyon kung ito ba ay patatagalin pa o aalisin na.

Aniya sa ngayon ay hindi niya pa alam kung ano ang dapat irekomenda.

Makapagbibigay lang aniya ang kaniyang kagawaran ng rekomendasyon oras na matapos na ang gulo sa Marawi City, na posible aniyang mangyari sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan.

Ani Lorenzana, kapag natapos na ang krisis sa Marawi, tsaka nila masisiyasat ang kalagayan ng buong Mindanao at maaring tumagal ito ng mga dalawang linggo.

Samantala, tiniyak niyang hindi naman mahihirapan ang pangulo sa pagbibigay ng desisyon ukol dito dahil lagi naman itong updated tungkol sa mga sitwasyon sa Marawi.

Read more...