Ayon kay Joint Task Foce Marawi deputy commander Col. Romeo Brawner, isa kasi itong pahiwatig na maaring gumamit na ang Maute Group ng mga suicide bombers.
Kung may nakita rin aniya sila na ganito, isa aniya itong indikasyon na marami nang ginagawang ganito ang teroristang grupo.
Ayon pa kay Brawner, naniniwala silang pag-aari ng isang dayuhang terorista ang nasabing suicide vest, at na mayroon pang hanggang nasa 12 dayuhang terorista ang naroon sa Marawi City.
Ibinahagi naman ni Brawner na sinusubukan nang tumakas ng mga terorista sa main battle area dahil papalapit na sila nang papalapit.
Sa ganitong paraan, wala na aniyang magawa ang mga terorista kundi ang lumabas at harapin ang mga pagpapaputok ng mga tropa ng gobyerno.