Ayon kay Lacson, halatang-halata ang cover-up dahil ang mga miyembro ng fraternity ay may “omerta” o code of silence na nagti-trigger ng pagtatakip sa mga detalye ng pangyayari.
Matatandaang umamin din si John Paul Solano na isa sa mga persons of interest sa kaso na nagsinungaling siya noong una sa mga pulis tungkol sa kung paano niya natagpuan si Castillo.
Una niya kasing sinabi sa mga pulis na natagpuan lang niya si Castillo na bugbog sarado kaya dinala niya sa Chinese General Hospital.
Ngunit nang lumabas ang impormasyon na miyembro din siya ng Aegis Juris fraternity, inamin na ni Solano na inatasan siya ng mga kasamahan niya na dalhin sa ospital si Castillo at huwag sabihin ang katotohanan tungkol dito.
Dahil dito, mas naniniwala si Lacson na nagkakaroon talaga ng cover-up, lalo na’t sa CGH pa dinala si Castillo sa halip na sa UST Hospital.