Itinanggi ni Pangilinan na sinadya nila na papirmahin ang ibang senador sa Senate Resolution 516 at nag-sorry kung ang naging dating sa mga kapwa niya senador ay sadya niyang hindi pinapirma ang mga ito.
Depensa ni Pangilinan, “stressed” na siya sa mga panahong iyon at totoong nakalimutan lang niya talagang idaan sa pitong senador ang nasabing resolusyon.
Naging sentro ng kritisimo ang 7 senador na sina Senators Tito Sotto, Cynthia Villar, Manny Pacquiao, Richard Gordon, Koko Pimentel, Sen Migz Zubiri, at Sen Gringo Honasan na tinawag ng blog ng #SilentNoMorePH na mga “lapdogs” ng Duterte administration.
Pagdidiin pa ni Sen Pangilinan, suportado nila sa minorya ang anumang gagawing imbestigasyon hinggil sa nabanggit na blog o artikulo na bumabatikos sa 7 mga senador.
Giit ni Pangilinan, wala umano silang kontrol sa pagpublish ng blog na tinawag na mga lapdog ng administrasyon ang 7 senador na hindi pumirma sa resolusyon
Naging mainit ang diskusyon sa session hall matapos na tumayo si Sen. Tito Sotto para kundinahin ang aniya’y “fake news” sa social media, particular ng blog na “#SilentNoMorePH.”