Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, hindi niya natunghayan o nabasa man lamang ang Senate Resolution 516 na kumukundina sa mga umano’y extrajudicial killings sa mga bata kung kaya hindi makatwiran na tawagin silang “lapdog” ng Duterte administration.
Itinanggi rin ni Sen Cynthia Villar na dumaan o nakaabot sa kanya ang nasabing resolusyon.
Ayon naman kay Sen. Richard Gordon, malinaw na black propaganda ang lumabas na blog o artikulo na naipost noong September 26 sa social media.
Maliban kina Sotto, Villar, Pacquiao at Gordon, kabilang sa pitong naging sentro ng pagbatikos ng blog sina Senators Koko Pimentel, Migz Zubiri, at Gringo Honasan.
Sa nabanggit na blog ng #SilentNoMorePH na may titulong ‘Malacanang Dogs in the Senate’ inisa-isang binanatan ang 7 senador na tinawag na lapdog ng administrasyon sa Senado na sunud-sunuran sa dikta ng pangulo.