Board member sa Masbate, patay sa pananambang

Patay ang isang miyembro ng lupon sa ikalawang distrito ng Masbate matapos siyang pagbabarilin sa Masbate City kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si board member Dionne Lopez.

Ayon sa ulat ng mga pulis, binaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek si Lopez sa Barangay Kinamaligan, Miyerkules ng hapon.

Nakasakay ang mga suspek sa isang motorsiklo, na ginamit rin nila para agad na makatakas.

Patuloy pang isinasagawa ang imbestigasyon upang malaman ang motibo at ang pakakakilanlan ng mga suspek.

Read more...