Pagmamaneho ng mga babae sa Saudi ipinagdiwang isang pro-women group

AP

Pinapurihan ng Women2Drive campaign advocacy group ang desisyon ng pamahalaan ng Saudi Arabia na payagang magmaneho ang mga kababaihan sa nasabing bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Women2Drive campaign group founder Manal Al-Sharaf na malaking hakbang ito para sa pagtataguyod ng pantay na karapatan sa mga kababaihan partikular na sa hanay ng Arab nations.

Si Al-Sharaf na ngayon ay nakatira na sa Australia ay ikinulong sa Saudi Arabia noong 2011 makaraang niyang i-broadcasts sa Youtube ang kanyang sarili habang nagmamaneho ng kotse.

Inaasahan rin na susunod nang lalagdaan ng hari ng Saudi Arabia ang ilan pang mga royal decree na naglalayong magkaroon ng pantay na pagtrato sa mga tanggapan sa nasabing bansa ang mga kalalakihan at mga kababaihan.

Inanunsyo ng Saudi Foreign Ministry officials ang nasabing balita sa isang pagtitipon ng mga Saudi nationals sa U.S.

Tinawag naman ng U.S State Department na “a great step in the right direction” ang nasabing desisyon ng Saudi government para sa kanilang mga kababaihan.

Read more...