Dr. Castillo sa Aegis Juris fratmen: Malaking kawalan sa inyo si Atio

Photo: Jong Manlapaz

Makaraang mailibing ang mga labi ng biktima ng hazing na si Horacio “Atio” Castillo III ay kaagad na nagpasalamat sa publiko ang mga kaanak nito.

Kasunod nito ang pakiusap sa pamahalaan na maibigay ang hustisya para sa pagkamatay ng 22-anyos na freshman law student ng University of Sto. Tomas.

Sinabi ni Dr. Gerardo Castillio, tiyuhin ng biktima na nakalatag na ang mga legal actions na kanilan gagawin pero tumanggi siyang idetalye ang mga ito.

Inirerespesto rin umano nila ang desisyon ng Department of Justice na hayaang makalabas sa kanyan kulungan sa Manila Police District Headquarters ang isa sa mga itinuturing na suspek sa krimen na si John Paul Solano na miyembro rin ng Aegis Juris Fraternity.

Ipinaliwanag ni Castillo na hindi nawawala ang kanilang tiwala sa mga umiiral na batas sa bansa.

Sa pagkamatay ng kanyang pamangkin ay sinabi ni Castillo na nawalan ng isang mahusay na miyembro ang Aegis Juris Fraternity.

Inilarawan niya si Atio bilang isang mabuting mamamayan at punong-puno ng pangarap para sa kapwa ang kanyang puso.

Pero sa isang iglap ay nawala ang mga pangarap na iyun makaraang mamatay sa hazing ang nakababatang Castillo.

Read more...