Ayon kay PNP Spokesperson Dionardo Carlos, bagaman hindi sila sumasang-ayon sa resulta ng survey, aminado siya na ang sagot ng mga respondents ay naapektuhan ng paraan ng pagtatanong at mga isyu na nagaganap noong ginawa ito.
Base kasi sa tanong sa survey, binigyan lamang ng opsyon na sumang-ayon, hindi tiyak at hindi sumasang-ayon ang mga sumagot dito kung “marami sa mga pinatay ng mga pulis sa kampanya sa illegal na droga ay hindi totoong nalalaban sa pulis.”
Paliwanag ni Carlos, kung walang nanlalaban na drug suspects ay di sana walang namamatay na pulis sa operasyon.
Sa katunayan nga anya ay nasa 85 na ang nalalagas sa puwersa ng pamahalaan dahil sa war vs drugs kung saan 82 dito ay mga pulis at tatlo naman ang mga sundalo.
Sa naturang ng survey, umaabot sa 54 percent ang nasasabi na hindi pumalag ang mga napatay, samantalang 25 percent ang undecided at 20 percent naman ang kakampi ng PNP.
Isinagawa ang survey noong June 23-26, 2017 at sinagutan ng 1,200 respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa.