Bago mag-alas dos ng hapon ay nailipat na sa Santuario de San Antonio ang mga labi ni Horacio “Atio” Castillo III.
Habang inililipat sa loob ng simbahan ang mga kabi ng biktima ng hazing ay hindi napigilang bumaha ang emosyon.
Sinabi ni Horacio Castillo Jr, ama ni Atio na hanggang sa oras ng libing ng kanyang anak ay tila mailap pa rin ang hustisya dahil hindi pa rin lumulutang ang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sinasabing nasa likod ng pagkamatay ng 22-anyos na biktima.
Nabanggit din ni Ginoong Castillo na halos araw-araw ay nagsisimba ang kanyang anak bago ito pumasok sa kanyang klase sa University of Sto. Tomas.
Kapansin-pansin rin na karamihan sa mga nakipaglibing ay nakasuot ng kulay putting damit na may tatak na “Justice for Atio”.
Mula sa Santuario de San Antonio ay babagtasin ng funeral convoy ang ruta patungo sa huling hantungan ni Atio sa Manila Memorial Park sa Paranaque City.