WATCH: Lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy bust operation sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Fritz Caliguid, dalawamput apat na taong gulang at residente ng Barangay Bagong Pag-asa sa lungsod Quezon.

Ayon sa kapulisan ng Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police Station 7 na silang nagkasa ng naturang operasyon, nanggaling ang impormasyon tungkol kay Caliguid sa isa nilang asset at dalawang buwan sumailalim sa surveillance ang suspek.

Ikinasa ang buy bust sa tapat mismo ng Cubao Elementary School.

Nasabat mula kay Caliguid ang anim na maliliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa limang libong piso ang street value, mahigit isang libong buybust money, at cellphone ng suspek.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:


 

 

 

 

 

Read more...