Ayon kay Captain Arvin Encinas, public affairs chief ng 6th infantry division, naganap ang pagsabog sa kalsadang papunta sa division training school ng militar sa Barangay Upper Semba, Awang, Datu Odin Sinsuat alas 7:20 ng umaga ng Miyerkules, Sept. 27.
Nang rumesponde sa lugar si PO2 Bobby G. Pendililang para kordunan ang lugar muling nagkaroon ng pagsabog dahilan para masugatan ang pulis.
Sugatan din sa insidente sina Barangay Chairman Datu Pendatu P. Sinsuat, kapitan sa Barangay Semba at isang Staff Sergeant Cane ng Philippine Army na nakatalaga sa Division Training School.
Dinala sa Camp Siongco Hospital si Pendililang bunsod ng natamo nitong tama ng shrapnel sa katawan.
Habang sina Sinsuat at Cane ay kapwa nagtamo lamang ng minor injuries.