Bago matanggal bilang SBMA chairman, Martin Diño, pinaimbestigahan ng pangulo

Pinaimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga impormasyon kaugnay sa sa pamamahala sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ito ang sinabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo nang matanong hinggil sa pagkakasibak kay Martin Diño bilang chairman ng SBMA.

Ayon kay Panelo matapos ang pag-iimbestiga ay ibinaba ni Pangulong Duterte ang utos na pagtanggal Diño sa naturang pwesto at paglalagay ng bagong mauupo bilang SBMA administrator.

Ibinahagi pa ni Panelo na narinig niya na may balak na italaga si Diño bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG)

Hindi lang umano niya alam kung ginawang pormal na ang alok sa bagong posisyon kay Diño.

Sa kautusan din na inilabas ng pangulo noong Martes, itinalaga nito bilang SBMA administrator si Wilma Eisma.

Matatapos ang termino ni Eisma sa June 30, 2022 bilang co-terminus official.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...