Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA, nakalabas na ng bansa

Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa 395 kilometers North ng Pag-asa Island.

Ayon sa PAGASA, ang intertropical convergence zone na lamang ang tanging weather system na naka-aapekto sa Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ang mga rehiyon ng Northern Mindanao, CARAGA, Davao region at SOCCSKSARGEN ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Magiging maaliwalas na rin ang panahon sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at sa Visayas.

Samantala, isang panibagong LPA naman ang binabantayan ng PAGASA na maaring pumasok sa loob ng bansa sa susunod na 24-oras.

 

 

 

Read more...