Mas pinadali na ang proseso ng annulment sa Simbahang Katolika.
Matapos baguhin ni Pope Francis ang sistema ng annulment, inasahan na ilang mag asawang Katoliko na mas mapapadali ang proseso ng kanilang paghihiwalay.
Isinagawa ang desisyon ng Santo Papa, sa pamamagitan ng tinatawag na “motu propio” documents.
Bahagi parin ito ng programa ni Pope Francis upang isulong ang mga reporma sa Simbahang Katolika.
Sa bagong sistema, inalis na ng Santo Papa ang ikalawang pagbasa ng cleric, bago mapagdesisyunan na mapawalang bisa ang kasal.
May kapangyarihan na rin ang obispo na magdesisyon upang mapabilis ang pagagagawad ng annulment, sa ilang espesyal na sitawasyon.
Halimbawa nito ay kapag inaabuso ang asawa, o kung mayroong pagtataksil na nagaganap sa alinmang partido.
Kaugnay ng mga bagong prosesong ito ay ang gawing “libre” na ang pagsasagawa ng annulment, bagamat may ilan paring administrative fees.
Ang bagong proseso ay magiging bahagi ng Canon Law ng simbahan na sisimulan sa Disyembre 8, kung saan magsisimula naman ang idineklara ng Santo Papang “Year of Mercy.”
Ayon sa Santo Papa, matagal at magastos ang pagsasaayos ng annulment, kaya ikinonsidera nya ang mga taong nagbibigay ng reaksyon ukol dito.
Patuloy namang hindi kinikilala ng simbahang katolika ang isyu ng civil divorce.